Friday, February 25, 2011

“SI ANABELLA”

Magdalena Jalandoni


Isang pagunitang paglalakbay sa panahon ng dekada treinta ang kuwentong “Si Anabella.” Isang gabing maliwanag ang buwan at mga bituin, hinarana ng binata ang dilag ng kaniyang biyolin. Sa himig ng isang buong orkestra, sumayaw sila sa malawak na sala ng malapalasyong tahanan ng binata. Nguni’t ang binata’y mayaman, at inilayo siya ng kaniyang
ina sa kaniyang pinupusuan. Subalit buong tiyagang naghintay si Anabella sa pagbabalik nito, at sa wakas sila ay muling nagsama.


Kung magpatianod ang isang mambabasa sa romantikong tradisyon, maaari ngang aakalin niyang may taglay itong mga romantikong sangkap na sa katunayan ay hindi naman makikita sa kuwento mismo. Hindi naman lubhang mali ang ganitong paraan ng pagbasa kung ipinapalagay na ang kuwentong “Si Anabella” ay akmang halimbawa ng isang makaluma’t romantikong kuwento.


Dagdag pa ni Villareal bilang komentaryo sa kuwento (1994, 13): Maaaring sabihing pinapatibay ng “Si Anabella” ang puna ng mga manunuri hinggil sa kahinaan ng
panitikang bernakular sa Pilipinas: na ito’y dulot ng “malagkit na romantisismo,” “walang kaingatan sa   teknik,” pagkabuhaghag   ng   estruktura, “didaktisismo,” at “sentimentalismo.”


Link: http://journals.upd.edu.ph/index.php/dilimanreview/article/viewFile/753/751

1 comment:

  1. Analogy: My own understanding about this story is that when we talk about love the status in life is not the basis as long as you love the person you will accept him no matter what he is.You are willing to conquer and struggle all for the sake of you heart'

    ReplyDelete