Saturday, March 5, 2011

MAYNILA, PAGKAGAT NG DILIM

Jojo Devera




Ang pagsinop sa mga natatanging pelikula ng Dekada '70 at '80 ay isang paghabi sa kasaysayang pampelikula ng ating panahon. Ang proseso ng pagsusulat at pagbabalik-tanaw ay paghahain ng mga makabagong metodo para hubugin ang isang makapagbagong histriyograpiya ng Pelikulang Pilipino.


Bakit itinuturing na isa sa mga pinagpipitagang pelikula ni Direktor Ishmael Bernal ang Manila By Night (Regal Films, Inc.)? Ating balikan ang pelikulang umani ng papuri mula sa mga kritiko noong taong 1980. Kilala si Bernal sa paggawa ng mga pelikulang puno ng iba't-ibang pangunahing tauhan. Tahasang isinaad sa pelikula ang suliraning pang lipunan sa kalakhang Maynila. Mula sa isang simpleng tinedyer (William Martinez) na anak ng dating iba na nagbagong buhay (Charito Solis) hanggang sa isang tomboy na drug pusher (Cherie Gil), may bulag na masahista (Rio Locsin), nariyan din ang taxi driver (Orestes Ojeda), ang kabit niyang nagkukunwaring nars (Alma Moreno), mayroon ring probinsyanang waitress (Lorna Tolentino) at ang baklang couturier (Bernardo Bernardo) na bumubuhay sa kanyang pamilya. Iba't-ibang buhay ng mga taong pinagbuklod ng isang malaking siyudad. Tinalakay ng pelikula ang problema sa droga, prostitusyon, relihiyon at kahirapan na magpasahanggang ngayon ay mga suliraning hinahanapan pa rin natin ng solusyon. Maraming nagkumpara ng Manila By Night sa obra ni Direktor Lino Brocka ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Kung saan nagkulang ang pelikula ni Brocka ito naman ang landas na tinahak ng obra ni Bernal. Hindi lamang nito ipinakita ang lumalalang situwasyon ng kahirapan sa Maynila sa halip ay hinarap nito ang ibang mga isyung hindi tinalakay sa pelikula ni Brocka. Sa aspetong ito mababanaag ang malaking pagkakaiba ng dalawang pelikula. Kung panonoorin sa ngayon ang Manila By Night masasabing may kalumaan na ang tema nito, di tulad ng unang ipinalabas ang pelikula sa mga sinehan.


Makaraan ang dalawampu't anim na taon mula ng ipalabas ang Manila By Night ay masasabing halos walang binago ang panahon kung susuriin natin ang mga suliraning pang lipunan ng Pilipinas. Nariyan pa rin ang problema sa mga ipinagbabawal na gamot, ang prostitusyon at kahirapan. Sino ba talaga ang dapat sisishin sa lahat ng mga ito? Ang pamahalaan ba? Tayong mga mamayan? Hanggang ngayon wala pang sagot sa mga tanong na ito. Nararapat nating pasalamatan ang mga direktor na tulad ni Ishmael Bernal na sa pamamagitan ng paggawa ng mga obrang tulad ng Manila By Night, isang pelikulang nagmulat sa ating kaisipan sa suliranin ng bansang Pilipinas.


Dulang Pampelikula At Direksyon: Ishmael Bernal
Sinematograpiya: Sergio Lobo
Musika: The Vanishing Tribe
Editing: Augusto Salvador
Disenyong Pamproduksyon: Peque Gallaga
Prodyuser: Regal Films, Inc.
Posted by Mitchelle Jimenez at 6:48 AM 0 comments Email This BlogThis! Share to Twitter Share to Facebook Share to Google Buzz
KRIS (MINDANAO SWORD)
Kris, Ang Sandata Ng Mga Lutao
“Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes”
ni Francisco Combes, SJ


Si Socsocan ng Basilan ay isa sa pinaka-sikat sa mga pinuno niCorralat. Nakaibigan niya ang mga Español na tinulungan niya bilang pinuno ng mga Lutao sa hukbong Español. Sinabing ang pangalan niya ay katumbas ng “ang sumasaksak sa kuta o pangkat ng mga kalaban”... Sicapitan Gaspar de Morales ay nahirang na admiral ng hukbong dagat ng Español sa Jolo, matapos siyang sumikat sa digmaan sa La Sabanilla at sa Jolo, kung saan siya nasugatan nang malubha. Ginawa siyangcommandante, tapos governador ng kuta sa Jolo. Sikat sa giting bilang sundalo, sira siya at sukdulang makasalanan bilang governador. Sa kanyang pangahas at libog, dinukot niya ang anak na babae ni Dato Salibansa. Naghimagsik ang mga tagapulo at ito ang simula ng 200 taon ng pagka-hiwalay ng Jolo mula sa ibang kapuluan ng Pilipinas ...
----Wenceslao E. Retana, 1897


Ang karaniwang sandata ng mga katutubo ay ang pilipit na patalim na tinawag nilang “kris.” Ang talim nito ay may mga palamuti at maganda. Anghawakan (puño, hilt) ay karaniwang inukit na buto (marfil, ivory) subalit para sa mga mayaman at mga pinuno, ito ay gawa sa ginto, nilalagyan pa minsan ng mga alahas at mgamamahaling bato (piedra, gems). Lubhang hinahangaan ang mga ito. May nakita ako minsan, sukbit-sukbit ni Socsocan na panginuon (lord) ng Samboangan (ang Zamboangangayon) nuong salakayin at sakupin ng ating hukbong Español. Sinabing ang halaga ng kris na iyon ay katumbas ng 10 alipin (esclavos, slaves).

1 comment:

  1. Analogy:Its been obvious that manila is one of the greatest city in the Philippines a lot of the foreigner went here to saw the beautiful city.but despite of his beauty lot of crime happen here and we consider this as the it's illness.

    ReplyDelete